Breaking News

TULA PARA SA GURO


Hinulma ako ng Guro ko

Batang walang kaalam-alam mosmos pa lamang
Ignorante sa kapaligiran hangad lang ay kasiyahan

Ang aking ina ang aking unang tagapagturo
Siya ang nagmulat saakin kung ano ba ang numero at mga alpabeto

Aking Guro na nagsilbi kung pangalawang Ina
Ako ang nagsilbing Luwad,
at ikaw ang iskultor na humobog sa mga kakayahan

Binuksan mo ang aking isipan at mata
Nagturo ng magagandang asal,
Nagmulat sa mundong miserable
Itinoro kung ano ang tama sa mali

Ako,y labis na nagpapasalamat sa iyong kadakilaan
Sa paggabay saakin sa paaralan,
Sa pagtiyak na ako’y ligtas sa mga kapahamakan

Aking guro aking Ina
Ako’y lubos na nagpapasalamat
Iyong mga itinuro’y aking babaunin,
Sa paglalakbay tungo sa tagumpay
Ang tagumpay na hinahangad ng bawat estudyante
Ang mga pangarap na pilit tutuparin kahit mahirap

Aking iskultor isa kang palaban
Lumipas ang mga panahon ,
Lumawak ang kaalaman
Dahil sayo ako’y natutong lumaban

Aking Iskultor ako,y matagumpay na ,
Ang isang Lumad at mosmos ay isa ng Obra Maestra
Salamat sa iyo pangalawa kung ina.

Guro

Guro, isang salitang binubuo ng apat na letra
Nagsisilbing pangalawang magulang natin kapag tayo’y nasa eskwela,
Sa eskwela na kung saan tinuturuan nila tayo kung ano ang mali at tama
At bawat pagkakamali natin ay kanilang itinatama.

Guro, sila ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo’y natututo,
Natututo sa mga bagay-bagay ditto sa mundo.
Sa mundong puno ng mga mapanghusgang tao,
Mga mapanghusgang tao na ang tinitignan lang nila ay puro pagkakamali mo

Guro, isa kang tunay na dakila,
Isa kang huwaran dahil mapagmahal ka sa amin at sa kapwa.
Handa kang tumulong sa abot ng iyong makakaya.
Makita lang ang mga kapwa guro mo at mga estudyante mo na masaya.

Guro, mga pangaral mo sa akin ay aking tatandaan
Sapagkat ito ang gumabay sa aking kakayahan.
Kakayahan upang pagsubok ay malagpasan,
Malagpasan ang pagsubok upang makamit ang pangarap na inaasam

Guro, ako’y saludo saiyo,
Kahit minsa’y madamot ka sa pagbibigay ng grado
Ako’y humahanga parin saiyodahil sa kabutihan mong puso,
Sa kabutihang puso na marami ang matutulungan sa kapwa mo tao

Guro, aking pangalawang magulang,
Ako’y nagpapasalamat sa mga naiambag mong karunungan,
Karunungan na nagsisilbing aking kayamanan,

Kayamanan na aking dadalhin patungo sa kinabukasan..
Inspirasyon Kita

Sa isang silid aralan
May mga taong nagbibigay kaalaman
Mga guro na dapat pasalamatan kailanman
Sapagkat sila ang dahilan upang utak ko’y magkalaman

Marami akong natutunan sa buhay
Mabubuting gawa at magagandang bagay
Kayo na nagturo sa akin at umalalay
Ikalawang magukang kung ituring, na sa akin ay gumagabay

Sa lahat ng Guro, salamat sa inyo
Sa lahat ng ginawa ninyong pagsasakripisyo
Sa taglay niyong sipag at tiyaga sa pagtuturo

Dahil sa inyo nagkalaman ang isip ko

Ma’am at Sir kung  kayo’y tawagin
Tagapagturo ng magandang asal at mabuting Gawain
Kung kami man ay pasaway, kami sana’y intindihin
Intindihin niyo po kami, yan ang aming hiling

Mga Guro, akoy humahanga sa inyo
Dahil sa inyong pagsisikap upang kami’y matuto
Kahit minsan sumasakit na ang inyong ulo
Patawad po kung minsan kami ay magulo

Salamat sa mga payo
Mga payong nagsilbing gabay at umantig sa aming mga puso
Itoy nagsisislbing gabay upang ako'y makapagtapos

Maraming salamat saa inyong kadakilaan
Kayo’y inpirasyon at lakas
Salamat sa lahat


Prepared By: Group 5


No comments