Breaking News

(Komunikasyon)- Tula








MUNTING ALAY PARA SAIYO

Sa kalayua’y nakikita na
Bigat ng hakbang na kanyag dala
Paano nga ba’t ito ang kanyang tadhana
Ang harapin ang mga estudyanteng di kilala.

Madalas man naming pinapainit ang ulo niyo
Pinapakila na ang estudyante’y walang respeto
Ngunit kayo ay aming iniidolo
Dahil ang pasensya’y abot dulo.

Sa bawat bigkas na lumalabas sa labi,
Ang katumbas nito’y di lang salpi,
Kundi maaliwalas na kinabukasan na kanilang sinasabi.

Kayo ang dahilan kung bakit kami narito
Nang dahil sa inyo’y kami ay nagkatuto
Kaya’t para sa amin kayo ang numero uno.

Dugo, pawis,  at luha ang inaalay
Kaya’t ang pasasalamat sa kanila’y walang humpay.

Bilang pangalawang magulang namin
Kayo ang aming gagalangin
Sasalubungin ng mahalimuyak na hangin
At sabay sasabihin,
“Kayo ang susi ng kinabukasan namin”.

GURO ANG PANGALAWANG MAGULANG KO

Guro ang nagsilbing pangalawang magulang ko,
Mga natututunan ko ay dahil lahat sa inyo
Bawat turo niyo ay tumatatak sa isip ko,
Dahil dito kami ay natuto at nabuo

Kami man ay nagiging kabado sa harapan ninyo,
Alam ko nandyan kayo para gabayan ako
Di man ako kasing talino na gaya ng iba,
Hinubog mo ako para hindi ko maramdaman na ako’y iba

May mga araw na mainit ang inyong mga ulo,
Pero alam naming gusto niyo lang kaming matuto
Boses niyo’y nilalakasan para lang aming maintindihan,
Bawat leksyon na aming natututonan dahil sa inyong katiyagaan

 Ilang oras na pagtayo ninyo sa aming harapan,
Para lang maibahagi ang inyong mga kalaman.
Bawat aming  nalalaman dahil sa inyong karangalan ,
kami.’y hinangaan sa katalinuhan sa binabahagi niyong kaalaman.

Aking guro nagpapasalamat ako nang buong puso,
Dahil sa inyo nahubog ko ang aking pagkatao.
Mga turo ,glling at sipag na inalay ninyo,
Ay babaunin naming hanggang dulo dala ng inyong mga turo. 

PREPARED BY: GROUP 2



No comments